Nakipagkasundo ang Social Security System (SSS) sa overseas Filipino workers (OFWs) Council of Leaders sa Saudi Arabia upang palawakin ang social security coverage ng OFWs.
Ayon kay SSS Vice President Paul Erik Manalo, isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan na layuning hikayatin ang mas maraming OFWs at kanilang pamilya na maging miyembro ng SSS.
Sa ilalim ng kasunduan, mahigit 100 Filipino group leaders sa Saudi Arabia ang mamumuno sa kampanya para sa pagpapalawak ng SSS membership sa Middle East.
Sinabi pa ni Manalo, na ito ang unang formal partnership ng SSS sa isang Filipino community network sa rehiyon.