Office of the Ombudsman
Muling iginiit ng Office of the Ombudsman na nakabatay sa ebidensya ang paghahain nito ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Ayon sa Ombudsman, mismong ang senador na ang umamin na tumanggap siya ng cash donations na nagkakahalaga ng ₱75 milyon, na umano’y hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Tinukoy rin ng Ombudsman ang naging pahayag ni Marcoleta tungkol sa “utang na loob,” at iginiit na hindi dapat ito matimbang sa isang opisyal ng gobyerno.
“A public servant owes no personal debt to any donor that supersedes what they owe the Filipino people. The moment gratitude is used to explain away P75 million in undisclosed money, it stops being “utang na loob” and becomes exactly what our plunder and bribery laws were written to prevent.”
Ayon pa sa Ombudsman, kinikilala nitong naging sentro ng matinding diskurso ang kaso at iginagalang nito ang karapatan ng bawat isa na magpahayag ng saloobin at magsagawa ng mapayapang pagtitipon. Gayunman, hiniling nitong hayaan ang batas at ebidensya ang maging batayan sa paghusga sa kaso.
Sa ngayon, nananatili naman aniya ang presumption of innocence ni Sen. Marcoleta at ang kanyang karapatang ipagtanggol ang sarili sa harap ng Anti-graft court.