Senate of the Philippines
Pormal nang naisampa ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Pasado alas-10 ng umaga nang dumating ang ilang tauhan ng Ombudsman para isampa ang kaso.
Kasama sa respondents sina dating Representative Mike Defensor at mga pribadong indibidwal na sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Matatandaang nag-ugat ang kasong plunder sa umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng ₱75 milyong campaign donations para sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.
Bukod sa plunder, isinampa rin ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na tumanggap ng regalo o ano mang benepisyo sa sino mang pribadong indibidwal.
Kasunod nito, nai-raffle din agad ang mga kaso kung saan napunta sa Sandiganbayan Third Division ang plunder case.
Samantala, ang tatlo pang kaugnay na kaso na kinasasangkutan ng iba pang respondents ay napunta naman sa Sandiganbayan First Division, Fourth Division, at Sixth Division.