DSWD, pinahusay ang 4Ps matapos aprubahan ng DBM ang bagong istruktura ng programa
Pinalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang bagong organizational structure ng programa.
Kasama rin sa inaprubahang hakbang ang paglikha ng 5,703 bagong plantilla positions.
Ayon sa DSWD, isa itong malaking reporma para sa 4Ps mula nang maisabatas ang Republic Act No. 11310 noong 2019. Inaasahang mapapahusay nito ang serbisyo para sa mga benepisyaryo sa buong bansa.