Naglabas ang PAGASA ng Impact-Based Warning No. 1 dahil sa inaasahang malakas na ulan at pagbaha dulot ng pinaigting na Southwest Monsoon o Habagat.
Inaasahan ang mga minor impact sa Metro Manila sa July 9, kabilang ang posibilidad ng pinsala sa ilang bahay, gusali at pasilidad pangkalusugan.
Posible ring magkaroon ng pagkaantala sa suplay ng kuryente at tubig, gayundin ng abala sa biyahe sa kalsada, riles, dagat at himpapawid.
Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad ng bahagyang pinsala at panganib sa kaligtasan ng ilang residente sa mga maaapektuhang lugar.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng mga awtoridad, at iwasang tumawid o magmaneho sa mga binahang lugar habang umiiral ang banta ng masamang panahon. | ulat ni Rey Ferrer