Manila Public Information Office
Binigyan ng pagkilala ang pitong Brgy. health worker sa lungsod ng Maynila ngayong araw.
Ito ay kasabay ng 86 na anibersaryo ng Manila Health Department.
Ang nasabing mga manggagawa ay kinilala dahil sa hindi matatawarang dedikasyon sa kanilang tungkulin.
Kasabay nito sinabi ni MHD Officer-in-Charge City Health Officer Dr. Grace H. Padilla na sa kabila ng limitadong pondo ay patuloy na magiging matatag ang MHD sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng lungsod. | ulat ni DK Zarate