Simula July 7, 2026, wala nang transfer fees ang lahat ng online fund transfers ng LANDBANK sa pamamagitan ng LANDBANK Mobile Banking App at iAccess, kabilang ang mga transaksiyon sa InstaPay at PESONet. Saklaw din ng Zero-Fee Policy ang mga kliyente ng Overseas Filipino Bank (OFBank).
Ayon sa LANDBANK, layunin ng hakbang na mapagaan ang gastusin ng mga Pilipino sa digital banking, mapalawak ang digital financial inclusion, at makapagbigay ng mas abot-kaya at mas madaling serbisyong pinansyal. Kaakibat din ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang digital financial services sa bansa.