Bumaba ng 30.43% ang naitalang insidente ng focus crimes sa buong bansa noong June 2026.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), pinakamalaki ang ibinaba ng carnapping ng motor vehicles na naitala sa ng 66.67%, mula 27 kaso noong nakaraang taon, naitala ang siyam na kaso ngayong taon.
Bumaba rin ng 57.25% ang kaso ng rape mula 697 na kaso ay naitala ang 298 na kaso, habang bumaba ng 40.15% ang kaso ng physical injury mula 406 na kaso ay naitala ang sa 243 kaso.
Nakapagtala rin ng pagbaba ang iba pang focus crimes, kabilang ang homicide, carnapping of motorcycles, robbery, theft, at murder.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagbaba ng crime incidents ay nagpapakita na nasa tamang direksyon ang mga hakbang ng PNP, ngunit hindi aniya ito dahilan para maging kampante.
Iniuugnay ng PNP ang pagbaba ng focus crimes dahil sa pinaigting na mga police operation sa pamamagitan ng pinaigting na law enforcement efforts, mas mataas na police visibility, focused crime prevention initiatives, at pinalakas na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga komunidad.