Department of Education
Nagbigay ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang suporta sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Inaprubahan ni Education Secretary Sonny Angara ang karagdagang P10 milyon para sa EduKahon program sa Schools Division Offices ng Sarangani at General Santos City, na may tig-P5 milyon bawat division.
Nagpadala rin ang DepEd ng 100 EduKahon learning kits, sa bilang na ito 80 ang ibinigay sa Sarangani at 20 sa General Santos City upang makapagtatag ng child-friendly learning spaces para sa displaced learners.
Ayon kay Angara, kailangang maibalik ang pag asa ng ating mga mag aaral. Sa pamamagitan aniya ng EduKahon, ipinapakita na kahit nasa evacuation center, tuloy ang pagkatuto.
Ang mga learning kit ay naglalaman ng iba’t ibang learning at teaching tools at materials, kabilang ang whiteboards, papel, first aid kits, laptops at iba pang communication devices.
Bukod dito ay pinalawak din ang na financial relief measures para sa mga apektadong teaching at non-teaching personnel.