Sumailalim sa Tsunami Evacuation Planning Workshop ang anim na pilot barangay sa Zamboanga City na pinangunahan ng DOST-PHIVOLCS, katuwang ang Philippine Red Cross–Zamboanga City at lokal na pamahalaan.
Ayon sa PHIVOLCS, tinalakay sa pagsasanay ang tsunami hazards, early warning systems, REDAS application, at evacuation planning para palakasin ang kahandaan ng mga komunidad sa sakuna.
Bilang resulta ng aktibidad, nakabuo at naaprubahan ng mga barangay ang kanilang Tsunami Evacuation Maps at naglagay ng mga signage sa mga itinalagang evacuation areas.
Isinama rin sa Philippine Tsunami Early Warning System ang ika-106 hanggang 111 Community Tsunami Alerting Stations (CTAS) upang mapahusay ang maagang babala sa mga tsunami-prone areas. | ulat ni Rey Ferrer