Photo courtesy of Senate of the Philippines FB
Inaasahan ni Senate President Sherwin Gatchalian na makikilahok ang lahat ng mga senador sa pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ngayong araw.
Sa isang panayam nitong weekend, pinahayag ni Gatchalian ang paniniwalang dadalo ang lahat ng mga senador, kabilang ang minority senators sa impeachment trial, dahil bahagi ito ng kanilang trabaho sa Mataas na Kapulungan.
Binanggit rin ng senate president na alam naman ng lahat na mas mainam na maging present sila para madinig at makita mismo ang mga kaganapan sa pagsisimula ng impeachment trial.
Ayon sa leader ng senado, mahalaga sa kanya ang naging pagdalo nina Senador Robin Padilla at Senador Loren Legarda sa all-senators caucus na pinatawag niya nitong Biyernes.
Aniya, nakita niya dito na marami sa kanilang mga kasamahan sa minorya ay nag-move on na sa issue ng senate leadership at nais nang magbalik trabaho.
Binigyang diin ni Gatchalian, na kahit hindi lahat ng 24 na senador ang makadalo sa pagsisimula ng impeachment trial mamaya, ang mahalaga ay magkaroon sila ng quorum.
Alas-2 ng hapon mamaya ay nakatakda nang simulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.