Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Inihayag ng isang ekonomista kung gaano kalaki ang magiging epekto ng pagkakaroon ng isang free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at Canada, na magbibigay-hudyat upang makaakit pa ng mga mamumuhunan patungo sa ating bansa.
Matatandaan na nagtungo sa bansang Canada si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa kanyang official visit mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 4, 2026.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ng ekonomistang si Prof. Astro Del Castillo na may krisis man o wala, mahalaga ang pagkakaroon ng FTA sa pagpapaunlad ng ekonomiya hindi lamang ng Pilipinas, kung hindi maging ng Canada.
Ani Prof. Del Castillo, inaasahang makalilikha ang FTA na ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Dagdag ng ekonomista, sa ilalim ng FTA ay mabibigyang-pokus ang mga usapin sa enerhiya, likas na yaman, labor migration, turismo, kultura, at depensa.
Samantala, binigyang-diin ni Prof. Del Castillo na mahalagang matutukan din ng pamahalaan ang usapin sa byurokrasya at ease of doing business dahil isa ito sa mga concern ng mga investor dito sa Pilipinas.
Aniya, bukod sa byurokrasya, kailangan ding tutukan ang isyu sa enerhiya upang maging realidad ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Canada.