Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Binigyang-diin ng Bantay Senado, isang non-partisan citizens’ monitoring network na binuo ng Team Pinas Foundation, ang mahalagang papel na ginagampanan ng taumbayan sa buong proseso ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Bantay Senado Co-Convenor Carlo Flores na ang impeachment trial ay hindi lamang sa pagitan ni Vice President Duterte at ng mga taga-usig, maging ng Senado.
Ayon kay Flores, kalahok ang taumbayan sa naturang paglilitis dahil ito ay proseso ng pagpapanagot, kung saan sinusubok ang ating demokrasya.
Aniya, ang responsibilidad ng mga Pilipino ay ang makinig, magmatyag, at huwag maniwala sa mga fake news.
Inihayag din ng Bantay Senado co-convenor na babantayan ng publiko kung magiging objective ang mga senator-judge sa kabuuan ng impeachment trial.