Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Inilarawan ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos bilang nasa “one of its best”.
Matatandaan na umbaabot na sa 80 taon ang pormal na ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at ng US.
Sa programang “Global Na Tayo” ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na napanatili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ating magandang relasyon sa Estados Unidos magmula pa noong siya ay naupo bilang presidente noong 2022.
Ayon pa kay Ambassador Romualdez, bukod sa matatag sa security cooperation, patuloy ding umuusbong ang economic relations ng Pilipinas at ng US sa pamamagitan ng pagpirma ng ating bansa para sa Pax Silica.
Ani Ambassador Romualdez, malaking proyekto ang Pax Silica initiative kung saan inaasahang makikinabang ang ating critical minerals sector.
Pagbibigay-diin pa ng Embassy official, maituturing din na isang major investment mula sa Estados Unidos ang Pax Silica initiative dahil makalilikha ito ng milyun-milyong trabaho para sa ating bansa.
Samantala, pagdating sa sektor ng business process outsourcing (BPO), inihayag ni Ambassador Romualdez na kinausap nila ang mahahalagang stakeholders upang maibsan ang pangamba ukol sa plano ng Trump Administration na isulong ang “Keep Call Centers in America Act”.