Pinuri ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Rafael Vicente Calinisan ang pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at militar sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte laban sa sub-leader ng Dawlah Islamiya.
Ayon kay Calinisan, kabilang si Yusa Ganoy, alyas “Minimi,” sa mga most wanted person at nahaharap sa iba’t ibang kaso, kabilang ang murder, destructive arson, direct assault, at paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Narekober din sa operasyon ang mga baril at isang improvised explosive device.
Binigyang-diin ni Calinisan na bawat matagumpay na operasyon ay hakbang tungo sa mas ligtas na pamayanan.
Dagdag pa nito, patuloy nilang susuportahan ang mga uniformed personnel sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at tiwala ng publiko, habang tinitiyak na ang mga nagbabanta sa kaligtasan ng mamamayan ay papanagutin alinsunod sa batas.