Walang kaugnayan sa nararanasang El Niño ang napaulat na 300-percent bed occupancy rate at 200 hanggang 300 daily patient admissions sa Davao Oriental Provincial Medical Center.
Ayon kay Davao Oriental 1st District Governor Nelson Dayanghirang, magkahiwalay ang indicators ng hospital utilization at kasalukuyang demand sa health services sa lalawigan.
Giit pa nito, nararanasan na ng ospital ang high utilization bago pa man ang inaasahang sakit na may kaugnayan sa epekto ng El Niño.
Samantala, handa ang lalawigan na tugunan ang mga posibleng sakit na dulot ng matinding init o iba pang climate-related factors.
📸 Davao Oriental Provincial Medical Center