Bibisita sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at OWWA Chief Patricia Yvonne Caunan sa Israel sa susunod na buwan para paigtingin pa ang employment conditions at kapakanan ng OFWs sa naturang bansa.
Ayon kay Cacdac, pagkakataon din ito para direktang marinig sa mga OFW ang kanilang working conditions at welfare concerns.
Ito’y sa gitna ng pagsisikap ng dalawang bansa na panatilihin ang labor cooperation sa gitna ng security situation sa Israel.
Tatalakayin din ang mga paraan para mapalakas ang bilateral labor cooperation, kabilang ang tulong sa mga apektado ng tensyon doon.