House impeachment manager, iginiit na hindi lisensya ang 32 milyong boto ni VP Sara para lumabag sa batas
Binigyang-diin ni House impeachment manager Robert Ace Barbers na ang pagkakahalal sa puwesto na may 32 milyong boto ay hindi nagbibigay ng karapatan sa isang pampublikong opisyal na lumabag sa batas.
Ito ang tugon ni Barbers kasunod ng pahayag ng depensa na nakakuha ng 32 milyong boto si VP Sara habang pinatatalsik siya sa puwesto.
Diin ni Barbers, walang sinuman ang mas mataas sa batas, sino man ang inihalal ng bayan.
Paliwanag niya, may pananagutan ang mga halal na opisyal at nakasaad sa Saligang Batas na may panuntunan para sa mga impeachable officer.
