Courtesy: Wimbledon
Ipinagmamalaki ng buong bansa at mananatiling kampeon ng mga Pilipino si Alex Eala.
Ito ang nilalaman ng mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bagamat nakalasap ng pagkatalo ang Pinay athlete ay pasimula pa lamang aniya ito na makita ng buong mundo ang tunay na kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng pandaigdigang tennis.
Ayon sa Pangulo, walang makakahinto sa paglago ni Eala kalakip ang pagpapasalamat dito na nagpatunay na walang pangarap na hindi maaabot ng isang Pilipino basta’t may determinasyon.
Sa panig naman ni First Lady Liza Marcos ay inihayag nitong hindi dito nagtatapos ang paglalakbay ni Eala sa mundo ng tennis.
Hindi na aniya makapaghihintay ang lahat na makita kung ano susunod para sa Pinay tennis star na nagpatunay na ang isang Pilipino ay kabilang sa pinakamahusay na mga manlalaro sa buong mundo.
Natapos ang makasaysayang kampanya ni Alex Eala sa Wimbledon matapos siyang matalo kay Jasmine Paolini sa Round of 16 sa iskor na 6-4, 4-6, 6-3.