Mag-iisang dekada na ang 2016 Arbitral Tribunal Award ng Pilipinas, isang final and binding sa ilalim ng UNCLOS.
Sa programang Boses, sinabi ni Solicitor General Atty. Darlene Marie Berberabe na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan sa nasasakupang teritoryo sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.
Aniya, ilang pulong ang isasagawa bilang paggunita sa anibersaryo ng arbitral rulling.
Samantala, nakikiisa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa paggunita sa 2016 Arbitral Ruling ng Pilipinas.
July 12, 2016 nang igawad ng Permanent Court of Arbitration ang Arbitral Award kung saan pinaboran ang Pilipinas sa kaso nito laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni BFAR Chief Nazario Briguera na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa mga Pilipinong mangingisda na pumapalaot sa naturang karagatan.