Naitala ng Pilipinas ang pinakamalaking paglago sa larangan ng innovation, batay sa 2026 Digital Nations Index ng GSMA.
Lumalabas na pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia, kasabay ng Thailand.
Batay sa index, limang component ang tinitignan sa 22 Asia Pacific economies: infrastructure, innovation, data governance, security at people.
Nananatiling mahina ang innovation sa ASEAN subalit bumuti ang Pilipinas sa naturang component.
Kapwa tumaas ang infrastructure at innovation ng Pilipinas mula noong 2025 at nanatili rin sa top band ng index para sa data governance, kasama ang most advanced digital economies sa rehiyon.