Pinangunahan ng Pilipinas ngayong linggo sa Pasay City ang dalawang high-level meeting ng ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) upang talakayin ang mahahalagang usaping pang-humanitarian at pangkaunlaran sa rehiyon ng Southeast Asia.
Kasalukuyang hino-host ang kaganapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsimula noong November 4 at nakatakdang matapos ngayong araw, November 6 sa Conrad Manila.
Kabilang sa mga inaasahang napag-usapan ang pagsusuri sa implementasyon ng ASCC Blueprint 2025, pagbuo ng post-2025 strategic plan, at pagpapalakas ng pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Inaasahang magbubunga rin ang mga pagpupulong ng mahahalagang dokumento at polisiya na isusumite para sa adoption ng mga ASEAN leader sa ika-49 ASEAN Summit ngayong buwan.
Nakatakda namang ipasa ng Pilipinas sa Singapore ang pamumuno sa ASCC bilang pagpapatuloy ng kooperasyong panrehiyon sa larangan ng kaunlarang panlipunan.