Patuloy ang naitatalang pagbagal ng inflation sa bansa nitong Hunyo.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 6.4% ang inflation mula sa 6.8% inflation noong Mayo.
Katumbas na ito ng 4.8% average inflation mula Enero hanggang Hunyo at pasok rin sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 6-7%.
Paliwanag nito, bunsod ito ng pagbagal ng inflation sa transport partikular ang gasolina at diesel.
Bumagal din ang food inflation o pagtaas sa presyo ng pagkain kabilang ang baboy, bigas at bangus.
Nitong Hunyo, naitala rin ang mas mabagal na inflation sa itlog, at asukal.
Dito sa Metro Manila, bahagyang bumagal sa 4.9% ang headline inflation mula sa 5% noong Mayo na dahil sa pagbagal ng inflation sa produktong petrolyo at pagkain