May nakalap pang ebidensya ang National Bureau of Investigation ng video ng umano’y pagbabanta ni Vice President sa Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bukod ito sa video noong November 23, 2024 na online press conference ni VP Duterte kung saan sinabi nito ang pagbabanta laban sa Pangulo, sa First Lady at sa dating House Speaker.
Sa impeachment trial ayon sa unang testigo ng prosekusyon na si NBI Agen John Mark Calilung, noong October 18 nagsalita din ang bise laban sa Pangulo.
Dito sinabi naman nya na nais umano nya “p*gutan ng ulo” ang pangulo at nagsalita rin sya na huhukayin pa ang katawan ni dating Pangulong Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Calilung pinreserve at na-authenticate din nya ang video tulad ng prosesong ginawa sa nakalap nya na may date na November 23, 2024.
Nakasama naman ito bilang ebidensya bilang parte ng isinagawang open-source investigation ng NBI upang malaman kung may iba pang ginawang pagbabanta ang bise laban sa Pangulo. | ulat ni Louisa Erispe