Nasa Senado ang pagpapasiya kung pansamantalang huwag na munang i-release ang pondo ng mga Senador na may kinakaharap na kasong pandarambong sa hukuman.
Ito ang tugon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa gitna ng mga nagsusulong na abugado, na dapat daw ma-hold ang budget ng mga Senador na may plunder charges, ipasara ang opisina habang pati ang sahod ng kanilang staff ay dapat din aniyang ma-hold.
Ayon kay Castro, unfair naman talaga kung tutuusin kung papasuwelduhin subalit hindi naman nakapagta-trabaho ang isang senador dahil sa may kinakaharap na asunto.
Dapat sana ay otomatikong suspendido ang mga kinauukulang mambabatas base na din sa plunder law at mahahagip ng epekto nito ang hanay ng kanilang mga empleyado.
Ganunpaman, bahala na aniya ang Senado ukol dito gayung sila ang makapagpapasiya nito.