Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue
Nagpulong ang Bureau of Internal Revenue (BIR)at Department of Finance (DOF) upang talakayin ang mga panukalang batas na magpapalakas sa sistema ng pagbubuwis sa bansa.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, kabilang sa mga pinag-aralan ang mga repormang magpapagaan sa pasanin sa buwis ng mga manggagawang kabilang sa low at middle income earners.
Tinalakay din ng dalawang ahensya ang mga teknikal na aspeto at mga hakbang para sa maayos na pagpapatupad ng mga panukala.
Layunin din ng pulong na palakasin ang koordinasyon ng BIR at DOF bilang paghahanda sa mga susunod na repormang piskal.
Pinangunahan ni Mendoza ang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Department of Finance.
Dumalo rin ang iba pang opisyal ng BIR at DOF, kabilang ang National Tax Research Center, bilang suporta sa pagbalangkas ng mga susunod na reporma sa buwis.