Pormal nang nagsimula ang programa ng 48th Annual Scientific Meeting sa pangunguna ng National Academy of Science and Technology dito sa Manila Hotel, ngayong araw.
Layunin ng dalawang araw na pagtitipon na ito ng mga siyentipiko at mga eksperto sa iba’t ibang mga larangan, na talakayin ang progreso ng bansa sa pagtamo sa Sustainable Development Goals na itinakda ng United Nations. Kasama dyan ang mga hakbang na dapat gawin para iangat ang pamumuhay ng mga Pilipino gamit ang modernong teknolohiya.
Bilang bahagi nito, pinangunahan nina Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, Department of Science and Technology Secretary (DOST) Renato Solidum, at National Academy of Science and Technology (NAST PHL) President Dr. Jaime Montoya, ang ribbon cutting ceremony ng exhibit kung saan tampok ang higit 300 research na malaking tulong sa sektor ng agrikultura.
Nakatakda din mag-deliver ng presentation si PhilHealth President Edwin Mercado patungkol naman sa mga hamon sa pagpapatupad ng Universal Healthcare, at kung paano ito tinutugunan ng ating pamahalaan para kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino.