Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang National Kick-Off School-Based Feeding Program and Milk Feeding Activity sa Pulilan, Bulacan.
Ayon sa Pangulo, mayroon nang feeding program noon subalit kulang-kulang at pili lamang ang nabibigyan ng benepisyo ng naturang programa.
Kaya ang resulta sabi ng Pangulo, kulang ang pagkain, hindi nakakain ng mabuti, kaya’t hindi makapag-aral ng mabuti ang mga batang estudyante.
Sinabi ng Pangulo, na batid nilang dahilan ang kakulangan sa pagkain kung bakit hindi makapag-aral na mabuti ang mga kabataan kaya’t kanilang pinalalakas ang kampanya, at binuksan ngayong araw ang Nationwide Feeding Program.
Sabi ng Pangulo, gusto nilang makasiguro na ang mga pumapasok na mag-aaral ay hindi na kailangan alalahanin ang kanilang kakainin gayundin ng kanilang mga pamilya dahil tutulong ang pamahalaan na sila ay mapakain.