Binubuo na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang space command na siyang tututok sa mga makabagong banta.
Ito’y ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang naging buod ng kanilang ulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang 1st Semestre Command Conference, kahapon.
Paliwanag ni Brawner sa Camp Aguinaldo, dalawa ang importanteng gamit ng space: una ay para sa intelligence, surveillance, and reconnaissance.
Ikalawa ay upang mapag-ugnay ang mga sistema ng militar tulad ng armas o missiles.
Sa ngayon ay ginagawa na umano ani Brawner ang unit ng space center, na babatay sa mga military service na pwede na umanong gumamit ng teknolohiya.
May pondo na aniya ang programa at target mailunsad pagsapit ng 2028.