Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong May 2026, ayon sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa ulat, umakyat sa 4.8% ang unemployment rate noong Mayo mula sa 4.7% noong April 2026 at 3.9% sa kaparehong buwan noong 2025.
Katumbas ito ng tinatayang 2.50 milyong Pilipino na walang trabaho.
Samantala, nasa 95.2% ang employment rate, o humigit-kumulang 49.63 milyong Pilipino na may trabaho o sariling hanapbuhay noong Mayo. Mas mataas ito ng tinatayang 738,000 kumpara sa 48.89 milyong employed persons na naitala noong Abril.
Nasa 12.2% naman ang underemployment rate, o mga manggagawang naghahanap pa ng dagdag na oras ng trabaho o karagdagang mapagkakakitaan.
Kabilang sa mga sektor na nagtala ng pagtaas sa bilang ng mga empleyado ang agriculture and forestry, accommodation and food service activities, administrative and support services, construction, at human health and social work activities.
Samantala, bumaba naman ang employment sa public administration and defense, transportation and storage, at financial and insurance activities.