Nag-ugnayan ang DOH Center for Health Development – Caraga at Butuan City Health Department para sa LAB for All Program o Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat na isinagawa sa Butuan City nitong Martes, July 7.
Iba’t-ibang serbisyo ang inihandog sa mga residente gaya ng libreng medical check up, mental health and HIV counseling, pamamahagi ng mga gamot at medical assistive devices. Alinsunod sa patuloy na adhikain ng pamahalaan na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga Pilipino, ang proyektong Lab for All ni First Lady Liza Araneta Marcos ay matagumpay na naidaos sa Butuan matapos daan-daang residente ang nakabenepisyo dito.
Naging malaking bahagi ang papel na ginampanan ng Butuan City Health Department bilang healthcare provider, at sa pag-alalay sa mga pasyente para makapagpagamot.
Pinangunahan naman ni First Lady Liza Marcos ang pamamahagi ng mga PTV o Patient’s Transport Vehicle sa iba’t-ibang bahagi ng Caraga Region at maging sa iba pang lalawigan sa Mindanao.
📷 Butuan CHD
