Nakibahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga sa programang LAB for All na pinangunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos sa Butuan City Sports Complex, kahapon, Hulyo 7, 2026.
Bahagi ito ng pagtutulungan ng national at lokal na pamahalaan upang mailapit ang iba’t-ibang serbisyo sa mamamayan.
Sa naturang aktibidad, namahagi ang DSWD Caraga ng Family Food Packs at tig-₱3,000 ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa 1,153 benepisyaryong kabahayan. Nagkaloob din ito ng mga wheelchair para sa Persons with Disabilities at sa City Social Welfare and Development Department ng Butuan City.
Bukod dito, tumanggap ng livelihood grants ang pitong Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) upang mapalakas ang kanilang mga kabuhayan.
Ayon sa DSWD, layunin ng programa na patuloy na maihatid ang mga serbisyong panlipunan at oportunidad sa kabuhayan para sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
📸 DSWD Caraga

