Photo courtesy of DOLE Camarines Sur
Nagsagawa ng payout ang Department of Labor and Employment (DOLE) Camarines Sur para sa mga benepisyaryo ng programa na “Tulong Panghanapbuhay sa ating mga Displaced Worker” o TUPAD sa CBSUA Sipocot Campus, sa Camarines Sur.
Nasa 864 TUPAD beneficiaries ang nakatanggap na ng sahod na nagkakahalaga ng ₱4,550 na naka base sa prevailing minimum wage rate, bunga ng pagsali nila sa Emergency Employment Program ng pamahalaan.
Nasa ₱3,931,200 ang kabuuang halaga ang naipamahagi sa naturang aktibidad.
Nanguna sa aktibidad ang mga opisyal mula sa Sipocot LGU sa pamamagitan ni Vice Mayor Rogenor Astor at iba pang mga opisyal nito, at ang mga tauhan ng DOLE CamSur.
Layunin ng programa na ito na mabigyan ng pansamantalang kabuhayan at financial assistance ang mga disadvantaged na mga manggagawa upang mapabuti ang kanilang pamumuhay.