📸 DOF
Pinatitibay ng Pilipinas ang kakayahang pinansyal nito na harapin ang mga panganib dulot ng kalamidad, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng disaster-risk financing at parametric insurance program.
Tinalakay ni Finance Secretary Frederick Go kasama ang mga kinatawan ng Southeast Asia Disaster Risk Insurance Facility (SEADRIF) ang mga hakbang para mapalakas ang financial resilience ng bansa laban sa mga natural hazard gaya ng baha, bagyo at lindol.
Kabilang sa mga nakipagpulong kay Secretary Go sina SEADRIF CEO Benedikt Signer at Philippines Implementation Lead Shannen Nicole Chua. Dumalo rin sa nasabing pulong si National Treasurer Sharon Almanza ng Bureau of the Treasury.