Muling uupo sa witness stand ng Senate Impeachment Court ngayong hapon si NBI Senior Agent John Mark Calilung.
Kahapon, natapos nang tanungin ng prosekusyon si Calilung at sasailalim naman siya ngayong araw sa cross-examination ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagharap ni Calilung kahapon, naiprisinta ng prosekusyon sa Impeachment Court ang mga video evidence para sa Article IV ng Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente, kaugnay ng umano’y assassination plot laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, maaari ring maiharap ngayong araw ang ikalawang testigo ng prosekusyon na si Atty. Jeremy Lotoc ng NBI kung maagang matatapos ang cross-examination kay Calilung.
Tiwala naman si Atty. Tongol na masusunod ng Impeachment Court ang itinakdang calendar days para sa paglilitis.