Photo courtesy of NCIP
Pormal nang nanumpa si National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Secretary Nancy Catamco bilang bagong Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) ng SOCCSKSARGEN.
Pinalitan ni Catamco si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa turnover ceremony na isinagawa sa Koronadal City, South Cotabato.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Catamco na hindi lamang seguridad ang susi sa pangmatagalang kapayapaan kundi ang maagap na serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng mga Indigenous Peoples (IPs) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran, kasabay ng pangangalaga sa kanilang mga karapatan at lupang ninuno.
Nangako rin ang bagong CORDS na palalakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, security forces at iba pang sektor upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo.
Kasabay nito, ipinagpapatuloy ng JRTF-ELCAC XII ang mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran sa rehiyon bilang bahagi ng layunin ng administrasyong Bagong Pilipinas.