Pormal nang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang ₱25 million na Farm‑to‑Market Road (FMR) sa Cabacungan, La Castellana.
Ang proyekto ay inaasahang lalong magpapabilis ng biyahe at magapapalakas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.

Ang pag-turnover ng proyekto sa La Castellana ay idinaos sa kabila ng pag-ulan na dala ng Habagat at moderate explosive eruption ng Bulkang Kanlaon ngayong Hulyo 9, 2026.
Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni DAR Undersecretary Rowena Niña Taduran kasama ni La Castellana Mayor Añejo Nicor at iba pang mga opisyal ng lalawigan at DAR.
📸 DAR NIR