Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Ikinabahala ng ating Sandatahang Lakas ang pagpapakawala ng Tsina ng ballistic missile mula sa isang submarine sa South Pacific nitong Hulyo 6, 2026.
Naganap ang ballistic missile launch halos isang linggo bago ang ika-10 taong anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Tribunal Ruling.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga usaping may kinalaman sa West Philippine Sea, na ang isinagawang ballistic missile launch ng China ay maituturing na isang “irresponsible” at “reckless” na “show of force”.
Ani RAdm. Trinidad, ang overflight ng Chinese ballistic missile ay “most likely” dumaan sa teritoryo o maritime domain ng Pilipinas dahil ito ay nagmula sa South China Sea, na nasa kanlurang bahagi ng ating bansa.
Dagdag ng AFP spokesperson for WPS, walang transparency sa ginawang ito ng Tsina dahil hindi man lang naipaalam sa mga maapektuhang nasyon na magsasagawa ng ballistic missile launch.
Pagbibigay-diin ni RAdm. Trinidad, ipinapakita lamang nito na nais ng China na i-provoke ang mga maliliit na bansa na kukwestyon sa kanilang paniniwala pagdating sa pag-o-overlap sa ating maritime domain.