Pinapa-subpoena ng Senate Impeachment Court si Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte para dumalo sa impeachment trial sa susunod na linggo.
Ito ay bilang pagtugon sa mosyon ng House prosecution panel na padaluhin si Lopez bilang witness sa trial.
Sa anunsyo ni Presiding Officer Chiz Escudero, ang subpoena para kay Lopez ay epektibo para Lunes, July 13, at Martes, July 14.
Ipepresenta ng prosekusyon si Lopez bilang testigo sa pagtalakay ng Impeachment Court sa Article 4 ng Articles of Impeachment laban kay VP Sara o ang tungkol sa sinasabing assassination threats laban kina Pangulong Ferdiannd R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Samantala, itinakda naman ng Impeachment Court sa July 15, Miyerkules, ang oral arguments para sa hiling ng prosecution panel na i-subpoena ang tax records ni VP Sara, asawa niyang si Manases Carpio, at mga negosyong nakaugnay sa kanila.
Kaugnay nito, pinagsusumite ng presiding officer ang depensa at prosekusyon ng kanilang memoranda tungkol sa request para sa BIR records hanggang sa Lunes, July 13.
Sa oral arguments, sinabi ni Escudero na bibigyan ng tig-10 minuto ang magkabilang panig bago magdesisyon ang korte.