Habang pinalalakas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpreposisyon ng mga family food pack (FFPs) sa iba’t ibang panig ng bansa, walang tigil rin ang repacking operations nito bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday.
Patuloy ring dumarating ang mga raw materials sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City para mapunan ang mga stockpile.
Layon nitong matiyak na may sapat na suplay ng pagkain at agarang maipapamahaging tulong sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Nagpasalamat naman ang DSWD sa mga katuwang nitong Cash-for-Work beneficiaries, mga benepisyaryo ng DOLE-TUPAD, at mga walk-in volunteers na tumutulong sa araw araw na pagre-repack para mapabilis ang paghahanda ng relief supplies.
Una nang siniguro ng DSWD na may sapat itong relief supplies na 4,741,449 family food packs (FFPs), 361,043 ready-to-eat food (RTEF) boxes at 270,951 non-food items (NFIs) sa mga warehouse sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
📸 DSWD

