Binalewala lamang ng mga House leaders ang sarkastikong hirit ng mga lider ng Kamara ang binitawang salita ni OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez na maghanda raw ang publiko sa pagdating ng “Typhoon Inday.”
Binitawan ni Lopez ang salitang ito sa isang ambush interview sa Senado bago ang nakatakda nitong pagsalang bilang testigo ng prosekusyon para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Nang hingan ng reaksyon, hindi napigilang bumanat ni Deputy Speaker Paolo Ortega V. Aniya, baka ang kampo ng Bise Presidente ang dapat maghanda.
Samantala, literal naman itong tiningnan ni San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora na nagpaalala lang na may totoong Bagyong Inday na pumasok sa bansa kaya dapat talagang mag-ingat ang lahat. | ulat ni Melany Reyes