Nagpahiwatig ang House Impeachment Prosecutors na mas matitinding ebidensya ang kanilang ilalatag sa susunod na linggo sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa kabila nito, tumanggi muna ang panel na maglabas ng mga partikular na detalye bilang pagrespeto sa sub judice rule o ang pagbabawal sa pagtalakay sa mga isyung hindi pa pormal na naihaharap sa Senado bilang Impeachment Court.
Sa isang press conference sa Kamara, hiningan ng reaksyon si House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. kung may aasahan bang “pasabog” ang publiko sa susunod na linggo.
Sinabi ni Tolosa, malaya na nilang hihimayin ang mga detalye kapag pormal nang nailatag ng kanilang mga saksi ang mga ito sa loob ng korte.
Pinayuhan din ng prosekusyon ang publiko na abangan ang testimonya ng mga susunod na opisyal ng National Bureau of Investigation.
Sinabi naman ni Deputy Speaker Paolo Ortega V.. sinabi nito na abangan ang “pasabog” sa susunod na linggo. | ulat ni Melany Reyes