Pinagana na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang disaster preparedness and response protocols sa lahat ng tanggapan nito bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday (Bavi).
Inatasan ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna ang mga opisina, regional offices, at attached agencies na agad na magpatupad ng “proactive safety measures.”
Nakikipag-ugnayan din ang DENR sa PAGASA, NDRRMC, local DRRMCs, Mines and Geosciences Bureau, Office of Civil Defense, at mga Local Government Unit para sa monitoring ng lagay ng panahon at geohazard advisories, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa.
Nagpalabas na rin ang DENR ng mga weather bulletin at paalala sa evacuation procedures.
Hinikayat naman ni Cuna ang publiko na sumunod sa mga opisyal na abiso at umiwas sa mga high-risk areas gaya ng gaya ng mga ilog at coastal zones o baybay-dagat. | ulat ni Diane Lear