Nakapanumpa na sa pwesto ang mga bagong pinuno ng Commission on Audit (COA) at Maharlika Investment Corporation (MIC).
Sa ceremonial oath-taking sa Malacañang, pinangasiwan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ni COA Chairperson Douglas Michael Mallillin. Isang batikang abogado at certified public accountant, na dati nang nagsilbi bilang commissioner sa COA.
Ang pagtatalagang ito ay patunay ng pagbibigay-halaga ng administrasyon sa pangangalaga sa bawat sentimo ng pampublikong pondo, at pagsisiguro sa tamang pangangasiwa ng mga resources ng gobyerno para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.
Samantala, nanumpa na rin sa pwesto ang bagong MIC President and CEO na si Ma. Angela Ignacio. Una na rin itong nagsilbi bilang undersecretary ng Department of Finance (DOF), at naglingkod na sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.
Inaasahang pangungunahan ni Ignacio ang pangangasiwa ng MIC sa mga investments na matatanggap ng gobyerno at paglikom ng mga kita na susuporta sa mga programa ng gobyerno para sa mga Pilipino.
“As she assumes leadership of MIC, the corporation is expected to manage investments responsibly, generate long-term value, and help advance national development through opportunities that benefit the Filipino people,” pahayag ng Presidential Communications Office.
