Naniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na posibleng nasa Pilipinas pa rin si Atong Ang.
Sinabi naman ito ni Matibag matapos na maglabas ng Manila Regional Trial Court ng panibagong arrest warrant laban kay Ating Ang para sa kasong may kinalaman sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Matibag, bagamat ‘di nya masabi saan ang huling na-monitor nilang lokasyon ni Ang, may mataas na indikasyon na nasa Pilipinas pa ito.
Bineberipika at iniimbestigahan din naman ng NBI ang mga ulat na di umano’y nagtatago si Ang sa casino at patuloy nilang mino-monitor ang posibleng kinaroroonan nito.