Nagpaplano ang Chinese wind turbine manufacturer na Ming Yang Smart Energy Group na magtayo ng service at maintenance center sa Pilipinas, at mag-hire at magsanay ng mga manggagawang Pilipino.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Energy Secretary Sharon S. Garin sa kumpanya noong Oktubre 2026 sa 49th ASEAN Ministers on Energy Meeting, na sinundan ng pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Ming Yang sa APEC meetings sa Shenzhen, China nitong Nobyembre.
Bukod sa lokal na operasyon, nagpahayag din ang kumpanya ng interes sa pagde-develop ng offshore wind technology sa bansa.
Sa itatayong pasilidad, hindi na kakailanganing umasa sa mga dayuhang serbisyong teknikal, mas mapapabilis ang pagkukumpuni ng mga wind turbine, at mabibigyan ng espesyal na pagsasanay ang mga Filipino engineer, technician, at skilled worker.
Kilala rin ang Ming Yang sa paggawa ng mga turbine na kayang tumagal sa malalakas na bagyo. Ayon kay Secretary Garin, layunin ng Department of Energy na makalikha ng de-kalidad na trabaho at mailipat ang makabagong teknolohiya sa bansa.
Mahalaga rin ang hakbang na ito upang maabot ng Pilipinas ang target na 35 percent renewable energy sa power mix pagdating ng 2030, at 50 percent sa 2040.