Humirit si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na ang hiling o Christmas Wish nya ngayong pasko ay mahuli na ang mga nagtatagong pugante.
Kabilang sina Atong Ang, Zaldy Co, dating Bureau of corrections Director General Gerald Bantag at si Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Sa isang panayam ayon kay Matibag ang nais nya ay mahuli lahat ng high-profile fugitive. Hiling pa nga nya sana rin umuwi na sa Pilipinas si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nagpasaring pa ito na sana aniya mapaaga ang pasko para sa kanya.
Sinabi naman ito ni Matibag matapos na magkaroon ng panibagong arrest warrant laban sa businessman na si Atong Ang kaugnay pa rin ng kaso sa mga nawawalang sabungero.
Patuloy namang tinututukan at iniimbestigahan ng NBI ang mga impormasyon sa kinaroroonan ni Ang.