Posibleng magpatupad pa ng dagdag-interes sa pautang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2027, habang patuloy na binabantayan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Inaasahan ng credit rating agency na S&P Global na magtataas pa ng fifty basis points ang BSP sa susunod na buwan, na magdadala sa policy rate sa 6% bago ito unti-unting bumaba sa 2027.
Ito ay matapos ang fifty-basis-point hike noong Oktubre, kung saan umakyat sa 5.5% ang benchmark interest rate dahil sa mabilis na inflation na umabot sa seven-point-eight percent.
Para naman sa Deutsche Bank, dahil mananatiling mataas ang interes sa pautang, nakasalalay na sa mabilis na paggastos ng gobyerno sa mga proyektong imprastraktura at mga reporma ang pagbangon ng ekonomiya.
Nagbabala rin ang bangko na patuloy na mararamdaman ang paghina ng halaga ng kita, lalo na’t banta pa rin sa suplay at presyo ng pagkain ang El Niño, mahal na langis, at kuryente, at mga limitasyon sa pag-aangkat ng pagkain.