Mas madali nang makakakuha ng visa ang mga Foreign Nationals mula sa ilang bansa Europa na nais makabisita sa Pilipinas.
Ito’y dahil Inilunsad na ng Department of Foreign Affairs ang Philippine e-Visa System sa Philippine Embassy sa Copenhagen na nakakasakop ng Denmark, Faroe Islands st Greenland.
Ang siste magkakaroon na ng access ang foreign nationals mula sa mga naturang bansa sa evisa.gov.ph at dito maari sila mag-apply ng Temporary Visitor visa at direktang magbayad gamit ang bank transfer.
Ito naman ay para sa mga dayuhang nais manatili sa Pilipinas ng higit tatlumpung araw dahil mananatiki pa ring libre ang visitor visa sa nga Danish Nationals at mga Greenland and Danish passport holders na mananatili lang sa bansa ng 30 days pababa.
Ayon naman sa DFA ang e-Visa system ay parte ng digitalization ng pamahalaan upang tiyaking na magiging madali at maayos ang pag-apply ng visa sa mga dayuhang nais bumisita sa Pilipinas. | ulat ni Louisa Erispe