Inilatag ng House Prosecution Team ang magiging sunod-sunod na pagharap ng kanilang mga saksi para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay House Prosecutor at Iloilo Representative Lorenz Defensor, itatapat nila sa Lunes, July 13, 2026, ang pagsalang sa kanilang unang saksi na si National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director, Atty. Jeremy Lotoc.
Susundan naman ito sa Martes ng pagharap ng dating Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Samantala, nakatakda namang sumalang sa Miyerkules si House Sergeant-at-Arms, Captain Belinda Bello.
Ang mga testimonya ng mga naturang saksi ay layong magpatibay sa mga alegasyong nakapaloob sa ikaapat na Articles of Impeachment ang “grave threats and sedition”.